nanlalaki ang kanyang mga mata habang mahigpit siyang nakahawak sa tsinelas na halos maputulan na ng tali. "para ba ‘kong sirang plaka!" ang mismong linyang paulit-ulit niyang sinasabi. tumatalsik ang laway niya mula sa kanyang bibig. itinikom mo na lamang ang sa iyo at baka maipit pa muli ang iyong balat ng kanyang mga kukong madalas biruin ng iyong lola na higit na mas masakit pa sa kagat ng langgam.